ano ang tlk?
Ang TLK Philippines ay binuo ng dalawang mag-aaral sa college para sa kanilang Senior Thesis Exhibition. Nais tumulong sa pagtanggal ng mga sexual taboos sa pang-araw-araw na usapan, dinala nila ang sex education na natutunan mo sa paaralan (at iba pa) sa web!
​
Mayroong dalawang kahulugan ang TLK: talk, o pakikipag-usap sa Ingles o ang salitang 'talik', na ibig sabihin ay intimacy o sex. Ang pinaka-payak na layunin nitong website ay ipagpatuloy ang paguusap at palawakin ang iyong pagiintindi tungkol sa kung ano talaga ang sex education. Hangad ng TLK na bigyan ka ng tunay, hubad, at maaasahang kaalaman upang mawasak ang nosyon na ang usaping sex ay dapat pinatatahimik.
​
Wasakin ang pamantayang kultural kasama namin at makipag-TLK (ng responsable)!​
ang aming team

carinna cruz

mariana purificacion
maaari maging ikaw 'to!
written word, art, music,
or what have you!
mag-sign up bilang isang taga-ambag!